Saturday, June 4, 2016

Classic newsclipping caption:CJ Puno says no longer celebration of Independence Day via social volcano




“Walang dahilan na mag diwang ng Araw ng Kalayaan kung nananatiling magulo ang kalagayan ng bansa.”

Ito ang pahayag ni Chief Justice Reynato Puno nang pangunahan niya ang seremonya ng Independence Day sa Monumento Shrine sa Caloocan City..

“Wala po tayong tunay na katwiran na magdiwang ng ating kalayaan kung ganito ang kalagayan ng ating inang bayan,” ayon kay Puno.

Iginiit pa ng Punong Mahistrado na kailangan kumilos upang mapigilan ang “social volcano” sa pag sabog sa pamamagitan ng paglaban sa korupsyon, smear campaigns at pagbabatuhan ng mga panget na salita sa bawat isa.

“Isang bansa na hindi sinusunod ang mga batas, isang bansa na sirang-sira ang moralidad dahil sa korupsyon, isang bansa na gaya ng isang bulkan ay tila handa ng sumabog,” dagdag pa ni Puno.

“Hangga’t hindi natin naaayos ang ating bayan ay hindi pa natin masasabing tunay na nating nakamit ang ating kalayaan. Umaksyon tayo. Let us heal the land. Hilumin natin ang sugat ng pagkakawatak-watak. Huwag na tayong magbangayan, huwag na tayong mag-insultuhan, huwag na tayong magbatuhan ng putik, ito ang unang hakbang,” pagtatapos pa ni Puno

No comments:

Post a Comment